[currently listenin to: Beethoven's Symphony No. 7]
Well, guess what!! First time kong ma-presinto kanina!!
Bago ko ikuwento, gusto ko lang sabihin na : MAPANGANIB TALAGA SA PASAY ROTONDA.
It's Wednesday, so 9am pa pasok ko. Naturally, magcocommute lang ako galing sa bahay coz kung kay mama ako sumabay, wala pang 7 nasa UP na ako. So nagjeep na lang ako. Matagal na naman akong dumadaan sa rotonda. Taon na nga e (dahil pag pumupunta sa BM, dun talaga ang daan pag galing bahay).
So I was just walking towards the LRT like I usually do, naka-backpack ako, kaya habang naglalakad, naalala kong ilagay yung bag ko sa harapan ko para maiwasan ang mga "mandurukot" (because of previous experience with the same bag - details in *).
TOO LATE.
Nung nilalagay ko na bag ko sa harap ko, BUKAS NA BAG KO.
Shet. NAGPANIC AKO. (etoh yung traumatic part e, yung makikita mo na bukas na bag mo nang wala kang kamalay-malay) Tapos may mamang kumalabit sa akin, sabi niya, nadukutan na daw ako.
I was like, "Hah?"
Nakita ko na may hawak-hawak na siyang babae, tapos pinosasan niya. (feelings of confusion, panic and fear all over na) Yung babaeng (you, bitch!) yun daw ang nandukot sa akin. Binalik nung mama sa akin yung case ng salamin ko (apparently, yun yung nakuha niya).
"Miss, sumama ka sa akin sa opisina para makapagreklamo ka. Para makulong toh."
Okay, 8:30 na. I was only supposed to go to school. Saan niya akong gustong dalin? Saan?!
Etoh na. Yung pressure ng mga tao sa paligid ko (hey! whatyaknow, nagkakagulo na yung mga tao. Scandalosa ako!), lahat sila, they were like, "Sige, sumama ka, pulis yan, sumama ka para mabawas-bawasan naman yang mga hinayupak na yan"
Siyempre as a sensible person, hindi ka naman talaga sasama sa taong hindi mo kilala (like duh!) pero dahil sa lahat ng taong nandun (and they seem to know the guy who's apparently a policeman), sumakay ako sa jeep na pinapasakyan sa akin. I was like REALLY panicking that time dahil MALALATE NA TALAGA AKO! (pucha, yun pa rin ang inisip noh)
In the jeep, the guy (who's supposed to be a policeman) was asking for my cellphone number, para daw tatawagan na lang daw ako. Ako naman, I was like, "Hah? Ayoko." Duh, hindi ko naman siya kilala and he's asking for my phone number?! (note: katabi pa rin niya yung babaeng nandukot sa akin) One lady in jeep was like, "Wag, wag" (well, actually parang sinesend niya yung message niya sa akin through telekinesis or something) Sinagot ko na lang yung mama, "Ayoko, pag dating na lang dun (kung saan man kami pupunta), pahiram na lang ng phone, tatawag ako sa parents ko"
That moment, umiyak na ako. As in IYAK and while I was speaking, lumabas yung random Taglish accent I did not know I had. Haha. And yeah, I was asking they guy for an ID or a badge, anything to prove to me na pulis siya talaga, and WALA siyang naipakita. SHET. Lalo akong nagpanic. Humagulgol pa ako lalo.
And nagkakagulo na rin yung mga tao sa jeep, they were asking the guy what happened and everything, tapos sabi sa akin nung ibang tao sa jeep, "Oo, diyan sa may city hall, ireklamo mo yan"
Okay...?
So nandun na noh. Baba na sa jeep (hindi ko alam kung nagbayad ng pamasahe yung mama, alam mo namang ako pa magbayad, e ako na nga itong naabala). Bumaba kami sa tapat ng Pasay City Hall. Then he led me to a small (bangketa-ish, sorry) police station. Nung nakita ko na pulis siya talaga (apparently he was undercover with no ID though...watda?!), medyo nagcalm-down na ako.
Pag pasok ko sa police station, I was the very young UP student (iba pala talaga pag taga-UP ka) who became a victim of theft. Una kong ginawa dun is naghanap ako ng phone. Tawag ako sa parents ko and I was like crying for help (duh! di niyo lang maimagine kung gaano ako ka-takot noon)
"Waaah!~ Papa, nasa presinto po ako!! Nadukutan po kasi ako...sniff! Papa, punta ka po dito"
Well, it's something like that, basta there was a lot of CRYING in that phone call.
Oh, and I was in the same room as that bitch woman! Cause medyo calm na ako, nakuha ko nang magalit sa kanya. I was like staring at her, waiting for her to look at me. Alam niyo yung titig ko that makes you go, "What?! Anong ginawa ko sa iyo?" Ganun. Pero hindi siya talaga makatingin sa akin, she was only looking down. Duh. Sinipa ko sana siya kung nakuha pa niyang tignan ako sa mata. Buset. Dahil sa kanya hindi ako nakapasok. Gagi, swerte niya at napili niya yung araw na yun dahil walang PE ng 9-11. May activity lang ang student council (ata) from 9-12, so walang klase. Kung hindi, nagwala na talaga ako dun. Dahil sa kanya lang magkakaabsent ako?! No way.
Basta, buti nga sa kanya, lahat ng MURA na pwede mong maisip, nasabi na sa kanya ng pulis. Haha. Kaysa sa maawa ako, natuwa pa ko when the police was treating her like thrash. (Well, she was like thrash dahil dinukutan niya ako!)
Basta...mga stuff like questions and the like ang sumunod. Nung dumating si papa dun, ginawa na nung malaking pulis yung report. I wanted to cry cause nakapangalan sa aking yung report, and mali-mali yung grammar. I really wanted to "rectify" his work. Pero (duh!) I can't. Haha. Anyway, first time ko ring maranasan yung "Itaas mo ang kanan mong kamay. Nangangako ka bang lahat na iyong sasabihin ay totoo?" Ako: "Opo."
Haha. Mababaw ba? Can't help it.
Finally I was asked kung tutuluyan ko ba yung babae or hindi. Tinanong ko kung anong mangyayari kung hindi, and he said, papakawalan lang daw siya. HELL NO! Tutuluyan ko na.
Whoah. First time ko ring mangDEMANDA ng taong hindi ko kilala. Haha.
Then they kept my glasses dahil evidence daw iyon. (But they told me I could get it the next day, since it was something that I use everyday)
So lesson learned: ILAGAY NA AGAD SA HARAP ANG BAG AND KEEP IT THERE AT ALL TIMES.
*Last year, nung summer, nadukutan na rin ako ng wallet sa may MRT. Wallet yun and unfortunately, hindi nahuli yung pickpocket, and hindi ko man lang nakita. I was using the same bag (it was also in the same pocket) btw.