I attended the division leadership training, the 6th Makati Youth Congress.
hehe. It was SO TIRING. Pero it was fun.
SPEAKERS. Okay naman yung mga speakers. I particularly like two. The very first speaker and the speaker na nagpagame ng "The Boat is Sinking...", as for the others...well...so sorry talaga pero sa totoo lang nakatulog ako sa kanila. Ewan ko ba, parang sa 3 araw na toh, pagod na pagod ako (pero nakakatulog lang ako pag may speaker na. haha). Yung iba lang talaga, nakakaantok magsalita. Crowded na nga yung RHS Hall, malamig, tapos yung iba ganoon pa yung boses. Haha. Pero okay lang, marami talaga akong natutunan sa Seminar na toh.
FOOD. Ok, para kaming mga BABOY na oras-oras pinapakain. Haha. Ang galing, ang dami talagang food. After every speaker ata, kain na naman e. Super daming food na umabot sa point na hindi na ako kumain ng dinner nung second day. Hello, ako toh, tapos hindi nakakain nd dinner? Talagang nabusog ako noong hapon kung ganoon. Grabeh. Pero feeling ko talaga nakainom ako ng reject na bote ng [insert brand name here], yung juice na nakabote (sorry, I can't remember the name), cause first of all, hindi siya lasa ng supposed-to-be-flavor niya, and then hindi na natahimik ang tiyan ko noon after that. Haha. And mind you, lahat ng meals na binigay nila samin dun e, balanced. Talagang may kasamang fruit as dessert (except yung last lunch kasi Chocolate Siopao na lang nun). Ayan nga mansanas pa talaga, inuwi ko na lang kasi hindi ko talaga makagat e, baka matanggal yung mga brackets ko. And dito lang ako nakatikim ng Milo na walang lasa pero enjoy pa rin. Hehe. So let's thank the city government again for all the food they sponsored us with. Itedekimasu!
LODGINGS. Tatlong schools ang nagstay sa MakSci. Syempre kasama kami dun, duh! We were supposed to stay dun sa dormitories ng MakSci. E gusto niyo ba namang makisiksik sa kanila dun. Nakita ko pa naman yung mga kutson dun sa taas, parang lahat halatang infested with dust mites. Mahirap na, hindi ako pwedeng hikain dun (A/N: Yes, may super mild asthma po ako). Ang pinakalalagyan ng mga bags namin ay ang SSG room and ang tulugan naman namin ay ang Conference Room. Waaaaaaah! Grabeh, kalamig ng Conference Room!! Talagang gusto nila, magdamag naka-aircon. Paggising mo, as in....SUPERRRRR LA...LAAA...LAMIIIG...wahaha!! Nakakatuwa nga, ilang beses pinaulit-ulit ng mga organizers na bawal pumasok ang mga boys sa room ng girls samantalang sama-sama kami dun sa Conference Room. Katabi ko pa nga si Aimes matulog e. Hehehe. Para kaming evacuation center matulog noh? (Ang VAIN pa rin ni Maryliz. Haha)
BANYO. As for the toilet and shower naman. Haaaay naku po! Wahaha...DITO lang po ako nakaranas at natutong maligo gamit ang BIDET HOSE. Yes, it's kadiri to some, pero wala na po kaming choice nun. Mahirap magtabo (hindi na ako marunong haha), and hindi na talaga makasingit sa banyo sa 4th floor. Talagang BIDET HOSE po ang gamit. Maliligo ka nakayuko. At baha ang mga C.R. ng MakSci sa 1st and 2nd flr nun. Hehehe. Tapos paggising mo pa sa umaga, maliligo ka e ang lamig lamig nga. Juiceko. Dito ko naappreciate ang shower, heater at buong banyo namin sa bahay.
CULTURAL PRESENTATION? Sa aking palagay, one of the primary reasons kung bakit ako sinama sa seminar na ito ay dahil sa Cultural Presentation. Uhm, pinaturo sa akin ni Ma'am Mira ang walang-kamatayang "Magkaugnay" sa mga officers ng SSG. Kumusta ka naman, nagpractice lang kami ng Magkaugnay the night before tapos mga sumobra lang nang kaunti sa isang oras ang practice. "Espek" mo mananalo kami? Hehe...pero maganda pa rin naman ang ginawa namin noh? It's just that, yung ibang schools lang kasi, parang June pa lang, nagppractice na. Haha. Pero supet tutol talaga ako dun sa nanalo. Pareho na nga sila ng music na ginamit tapos hindi pa deserve yung performance nila. Nagsabayang pagbigkas sila. And kung napanood niyo, iisipin niyo rin na baka inatake si Ma'am Antaran sa kanila kung siya'y nandirito pa. Talaga. Yung ulo kasi....Grrr!! Kakagigil! Tsej! Basta...bahala na sila. O well na lang.
OTHER MIDNIGHT PURSUITS. Second night namin, after ng Cultural blahblah, nagrequest yung ibang school na magbonding daw sila with the other schools. E c'mon, pagod na pagod na kasi kami and uwing-uwi na kami (sa school ha). Feeling ko tuloy, lalo kaming nagmukhang KJ sa ibang school kasi umuwi kami agad e. O well...the heck with them, gabing-gabi na nun. Syempre pag ganito, marami kayo, dapat may...McDO. Hehe. Una pa lang, nagyayaya na talaga kami magpadeliver e. Ayun, natuloy rin noong second night. I just had a Combo Float. Yung iba talagang nagutom ata. Hindi pa ako nagdinner noong gabing yun ha. Haha. Credits to Irish for being the money handler for that night. You did a very good job. Hehehe. Kasi noong nagyaya ako at nasulat ko na order ko, natulog ako e (Hindi ko na talaga kaya). Hehe. Ginising na lang nila ako noong dumating na yung mga order. Wahaha. Peash everyone! I love y'all! Hahahaha.
Well, this was a REALLY GREAT experience. Maraming tulog, maraming kain, perop marami rin naman akong natutunan. Bilang "kongklusyon" (pweh!), itong seminar na ito ay naging isang napakamakabuluhan na pangyayari sa aking buhay. Kahit wala akong masyadong nameet na bagong friends, at least, naging bahagi ako ng isang masayang pagtitipon ng mga pinuno ng mga paaralan sa Makati. MABUHAY! (wahaahahahahaha...watda!!@!@$%*)