Monday, April 21, 2008

Update sa pagCOMMUTE.

[currently listenin to: Randy Crawford]

EHEM! Update sa aking pagcocommute!

Kung may mga taong (I can't believe it) nagulat dahil nalaman nila na nagcocommute pala ako araw-araw, here's an update:

NAKAPUNTA NA AKO SA UP MANILA NANG MAG-ISA!!!

Yay! Wala akong kasama! As in!! Para akong tanga-na-hindi-alam-kung-saan-pupunta-kaya-namamasyal-na-lang-daw-kunwari-para-hindi-halata....

Kanina, dahil sa wala akong pasok, pinapunta ako ng nanay ko sa UP Manila, sa College of Dentistry in particular, para kunin yung forms na kailangan for the dental examination thingy.

Dahil pupunta naman ako sa ortho ko sa May 1, private dental exam na lang ang gagawin ko.
So punta ako sa Pasay, as usual, sakay ako ng LRT. Ang iba lang is bumaba ako sa PEDRO GIL. Wow. Hindi ko naman talaga alam kung saan talaga ako dapat pumunta. Ang alam ko lang ang College of Dentistry ay nasa corner ng Taft at Pedro Gil.

So pagbaba ko ng LRT (nasa other side ako), inisip ko muna kung saan ako pupuntak, sa kanan ba o sa kaliwa. Yung kanan ata is the daan papuntang PGH, yun kaliwa.....well....I dunno.

I decided to just follow the people crossing the road so dumaan ako sa kaliwa.

Lakad...lakad...lakad.......hanggang sa nakakita ako ng gate. Aha! May guard!! So nagtanong ako sa kanya....

Eventually...

Nakita ko yung College of Dentistry and nakakuha na ako form. Sense of fulfillment/achievement ang natamo ko paglabas ko ng UP. Haha. Natuwa ka?
Balik na akong LRT...then the usual way back home.

Pagdating ko sa village, nakita ko yung FX sa labas ng mini-mart. Kung siusuwerte ka nga naman oo! E di, di ko na kailangang maglakad all the way to the house. Haha!! I was out for only a couple of hours btw.......

Sunday, April 20, 2008

Summer Lovin'

[currently listenin to: Episode 11 - La Corda D'Oro Primo Passo]

Tagal kong hindi nagpost noh? Namiss niyo siguro ako.
Why, you ask? Siyempre, it's summer na naman. May summer workshop uli sa BM.

Ano pa bang gagawin ko kundi magballet? Wala na. 5 days a week. 3 hours a day. Whooooo! Galing noh?

Right now, I'm attending: Level 3, Level 4, Variation/Pointe Class, and Partnering Class.

Masaya yung Variation and Partnering!! So far, I know 3 variations na: yung 'Amboite' (sp?) na variation and the 'Pirouette' variation ng Odalisque from Le Corsaire, plus yung "Peasant Pas" from Giselle.

Whoooot! Natuwa ka? Ako oo, ewan ko sa iyo. Haha.

Sa partnering naman, well.........
regular partner ko si Kuya Alfren, he's okay. He's always telling me "tigasan mo lang ang tiyan mo".

Well, I know I should noh, but I'm not so sure if I'm doing it. Hehe. Joke lang. Ilang beses ko na nga siya nasusuntok at nakakalmot. Sorry for that. Wahaha. (tumawa ba after mag-sorry?)

Namomroblema lang talaga ako sa pointe shoes ko. The Grishko Pro-Flex na pinadala sa akin ni Tito Randy before ay malapit nang ma-deadz. And ang nagkasya lang sa akin is yung "Suffolk Solos" that costs a whopping PhP 5500!!! Halos mahimatay ang nanay ko nung araw na yun, wala naman akong magawa coz wala na talaga akong gagamitin and I need a new pair of pointe shoes asap. Sabi niya tuloy dapat maglast yang pointe shoes na yan ng mahigit 6 months ha, coz hindi na kita ibibili. Next year na....

Like WHUAAAAAT??!?! May dadating pa akong Grishko sa July and next summer ko na lang daw gagamitin yun.

Like WHUUAAAAAAT??!?!?!!? Haha.

Pero I swear, mas gusto ko pa rin yung Grishko coz yun talaga ang nagwowork for me. So KUNG MERON DIYAN NA GUSTO AKONG SUPPLYAN NG POINTE SHOES......OKAY LANG.
Wala kasi dito sa BANSA. Note: BANSA.

Sa States lang talaga. Kaya mga ninang at ninong, mga tito at tita, friends, neighbors, NANANAWAGAN AKO!!!! AS IN! SAKLOLO!!!!! haha.

And people, araw-araw akong nagcocommute. Papunta at pauwi. Araw-araw.
Araw-araw rin akong bilad sa araw at usok. Thank you very much.
Kaya sabihin niyo kung gusto niyo ng kasama pag sasakay kayo ng LRT o ng jeep papuntang Pasay o kaya Bicutan. Game ako. Wahaha.

Naligaw na nga ako once e. Mali yung nasakyan kong jeep. Ang dapat na sinakyan ko KALIWA.
Nasakay ako sa KANAN.
E kasi naman! Walang nakalagay na kanan o kaliwa sa jeep niya. Nakalagay lang Bicutan. Tinanong ko pa yung driver ha. Tinanong ko pa siya. Sabi niya oo dun sa dadaanan ko. Pero hindi pala. NILINLANG niya ko. Ahahahaha. Ang tanga kasi ng jeep. Hindi alam kung saan pupunta.
WAHAHAHAHAHA. Pero nakauwi naman ako. Napahaba nga lang.