I'm already enrolled.
I'm already done with the psychological test.
I'm done with the campus tour.
I met some of my blockmates.
I joined the block lunch.
I attended the "orientation" sneak peek thingy.
Ano na lang ba ang gagawin? Wala na noh? Papasok na lang sa June 10.
Yesterday, May 8, enrollment ng BS Bio students sa UP Manila.
Maaga kami (ni mama) na pumunta dun so sa pila namin #5 ako (yay!)
Para siyang The Amazing Race. So buti na lang talaga medyo nauna-una ako kundi MAJOR PILA ang ginawa ko. Mabilis naman ang proseso ng pag-eenroll...ok lang. Pabalik-balik nga lang sa CAS (College of the Arts and Sciences) tsaka OUR (Office of the University Registrar).
Napansin ko sa UP Manila...ang hilig nila sa acronyms!! Lahat ata ng bagay naka-acronym! E kung bago ka, para kang "uuh, ano uli yun?" Hehe.
So in the end, napunta ako sa Block 1 ng BS Bio. Kasama ko sina Aimes and Megan. Galing noh? Nandun rin sina Lea na naging schoolmate ko nung elementary (si Lea nakasama ko pa sa MakSci nung first year pero lumipat siya sa Philippine Science the next year).
Yesterday, nakahabol pa ako sa rehearsals sa BM.
Kanina, May 9 na, psychological test and orientation naman.
After nun nagkaroon ng Block Lunch and Campus Tour.
Ang haba ng psch test, di ko alam kung matitino yung mga pinaglalagay ko dun.
Sa orientation naman, well....may part na hindi na ako nakinig coz inantok talaga ako. Hehe. Peash!
Etoh na....block lunch.
I met a lot of new people. Naging kasama ko sila for the rest of the day (or the next few hours). Sila kasi yung mga ka-table namin sa food court ng Annex.
Haha! May UP Annex!! Hulaan niyo kung saan....**
So siyempre, you have to meet and make new friends. Tuwa naman ako. They're very nice people and sana maging close pa kami sa susunod na panahon (naks!)
Though nakadikit pa rin ako kayna Aimes (not Aimex) and Megan.
Kailangang makabisado na ang pasikot-sikot sa Annex for future reference. Haha.
Campus Tour...
Honestly, I don't remember kung saan kami dumaan. Basta ang alam ko yung kung paano ka pupunta sa building ng CAS (na nasa Padre Faura) from Pedro Gil. Other than that, hindi ko na alam.
Tsaka hindi ko alam kung bakit yung Fleur de Liz (sp?) Auditorium ay nasa St. Paul University??? Hmmm....anyway...
Lalo na sa CAS...lobby lang siguro ang natatandaan ko (tsaka canteen...hehe). Yung mga rooms....WALA TALAGA. Mga RH-RH ek-ek, mga GAB-GAB ek-ek....ang daming pasikot-sikot. Nakakaloka! Wala kasing pattern yung rooms e. Halo-halo. Juicemiyo. Good luck na lang sa pasukan. Haha.
This time, hindi na ako umabot sa rehearsals sa BM. Sa Star Theater pa naman. Oh my. Pagalitan kaya ako bukas? Hehehe.
**napa-isip ba kayo? Ang UP Annex ay ang......
....Robinson's na katabi-katabi lang talaga. Haha.
3 comments:
may psychological test sa manila? woah. hehe.
hindi ko parin pala memorize yung up diliman.. hehe.. waaahhh!!!
wahaha. UPM Annex... Rob's Place no? haha. lagi aq jan.
trivia- poor ang corte suprema at court of appeals kc dati building ng UP un. ung supreme court ung college of law.
beggars e.
haha. mganda nga maaga. aq dn maaga e.. something like #6 aq sa OUR.
musta naman, 18 lng kming freshies sa BUONG college. (NCPAG). aun. harhar.. d q p nsusulat ung ibng ngyari, mejo pgod pa eh..
Post a Comment