Wednesday, June 11, 2008

Second Day.

[currently listenin to: UP, Ang Galing Mo]

Okay...hindi ko naman iisa-isahin ang mga araw ko sa bago kong buhay-eskuwela, magkukuwento lang ako ng ilang mga pangyayari na nangyayari sa kasalukuyan (pucha, diretsong Tagalog!)

Nakakapanibago talaga yung tanghali nang gumigising. Ginising ako ng nanay ko, paalis na sila ni Carlos. O db? Iba. Umalis ako 7:15 na ata, samantalang dati e nagsimula na yung klase. Pero anyway, pag Wednesday lang naman ganito e, pag Monday at Thursday, 7 pa rin ang pasok e.

Unang araw na may subject kami, wala PE lang naman rin. Orientation pa lang sa PE so wala pang ginawa, maaga kaming dinismiss. Kaya umagang-umaga pa lang nasa Robinson's na agad kami. Bilis noh. (E san naman kami tatambay, aber?)

Pag dating kasi ng 11am, department orientation naman. Ang daming free stuff from the organizations. Akala ko kaya ibabalik yung ibang stuff....pero hindi....may budget sila. Haha. (Wala kasing ganun sa MakSci e...hahaha)

After ng dept orientation, may FBC na nagsabing wala na raw library orientation, so naglunch na kami sa annex (uli). Hindi ko kasama dito si Aimes (I dunno where the hell he was). Naglunch kami sa Pizza Hut. And birthday pala ni Issa! (di ko alam e) Happy Birthday, Issa! Legal ka na!!

nasa pic --> : Jake (blockhead), Baron (gustong mag-Indayog), and Aldwin (Chang Kai Shrek..hehe...peash)

Tapos malalaman na lang namin na may library orientation pala. Natuloy ang bwisit. Haha. Nandun pala si Aimes. Haaaay....o well. Natuwa naman kami (because of Maki) haay haay. Haha.

Tuesday, June 10, 2008

First day of college.

[currently listenin to: Ayaka]

Whoah. First day as an Iskolar ng Bayan in the University of the Philippines - Manila (UPM).



So siyempre, unang-una yung orientation. The freshmen welcome ceremonies (or sumthing like that) was held in the Fleur de Liz Auditorium, St. Paul's. Aimes, Megan, Maiko, Christine G, and I agreed to meet in McDo sa may Pedro Gil station before 7:15. BOOM! I arrived there mga one hour before!! Ewan. I'm always early pag ganyan e. Pero I found naman na on that time, wala pang tao sa LRT. O db?

Anyway, the orientation: first impression ko, and kulit ng chancellor ng UP Manila. Haha. Ewan, pero half of his speech, inaasar niya UP Diliman. Haha. And then nagka-"lightning rally" pa. Galing noh,
unang araw pa lang, may rally na agad...

In fairness, ang dami rin namin sa BS Biology. Hehe. Are we safe in numbers? (Bleh!)


After ng welcome ceremonies, Robinson's na agad!! Gutom na gutom na kaya kami nun, so kailangan na talagang kumain. Ang tagal bago nakapagdecide kung saan kakain (sabi ni Aimes, sa Mr. Quickie na lang daw...watda?!). Well...for some reason nag-end up rin kami sa Greenwich.

Naturn-off lang ako sa CR ng Robinson's. Haha. Ewan. Kasi naman e.

Haaay...parang magsasawa tayo sa mall this year a. Di ba, people?

After ng lunch, college orientation naman. So nasa mga kanya-kanyang colleges na ang mga people. CAS (College of Arts and Sciences) kami. And hindi ko pa rin kabisado talaga yung building. Malalaman ko na lang na nandun na ako hindi ko man lang alam kung saan ako dumaan. Hahaha. Sa Roofdeck kami nagorientation....and gahd...ang INIT dun!

Basta sa sobrang init, hindi na ako nakapagconcentrate dun sa anu man ang sinasabi ng kung sino man ang nagsasalita. Ang ginawa ni Aimes, naghanap ng ibang mapaglilibangan. Ayun. Nakakita ng mga people na tumalon sa helicopter at nag parachute pababa. Ang cute! Hehe. First time ko rin lang makakita ng ganun (ay grabeh, hindi na talaga nakinig). And that time rin, nagtetext-text na lang ako, asking random MakSci people how they're doing na in their first day in school (or yung sa iba na hindi pa pumapasok).

O yeah. May ID na kami! Feel na feel ko na ang pagiging taga-UP ko. Haha. Ang panget ko nga lang sa ID. I look like a very sick old woman or sumthing. Che! In fairness, masarap siyang suotin. Haha. (Siguro sa umpisa lang, I dunno)

Ui, mga MakSci batchmates! I would like to let you know that our Aimes is our block's treasurer! (Muntik na maging blockhead. O well...still. Hehehe)