Friday, December 25, 2009

"Ask and you shall receive." A lesson learned this Christmas. ♥


[currently listenin to: APO Hiking Society]


MALIGAYANG PASKO!!!


It's December 25 again, 2009 is coming to an end.
Hehe 


Nagpasko ako sa Tarlac with my Sigua/Basilio family. Reunion ng Sigua to be more specific.
Dapat nga today magaAlamat ako in Aliw, pero my mother did NOT allow me to. Haha


Anyway..
Today started with us going to Heritage Park to visit Gabby. Siyempre siya muna. It's our third Christmas pa lang without her.

After visiting my late sister,
punta kami sa Poblacion para sunduin si Lyka (sister ni Aimes...well...sister ko na din ngayon :) ). And ayun, nakita ko na naman ang MakSci. Well, ganun pa din ang MakSci, wala pa ring nagbabago.

Pagkasundo kay Lyka (and yeah, masikip na sa likod. haha), punta na kami sa Tarlac.
I brought my "portable plasma" with me, so papunta, nanood muna kami ng Jennifer's Body (oo na, kahit anung gawin mo, hot pa rin si Megan Fox. And I'm a freakin girl!!)
Halfway through the movie, nahilo na kaming lahat so stop muna tapos TULOG. Hahaha (alam kong nakanganga pa ata ako. hahaha)


So pagdating sa Tarlac, binisita muna namin si Daddy Ador (my late grandfather, tatay ni Papa) tapos punta na kami sa bahay.
Uuh..like any other reunions, kalahati ng mga tao dun, hindi ko talaga kilala. 

Sorry, pero I didn't really know half of the people there (inEnglish ko lang. haha)
Basta ang ginawa ko, nagmano na lang ako sa lahat ng matanda dun para safe. Hahaha


Infairness, pinakilala sa lahat sina Aimes and Lyka. Kung hindi sila yung bago naming ampon, sila yung anak sa labas ng mga magulang ko...(yeah. hahahaha)
Sa mismong reunion, well, wala naman masyadong nangyari. Kain-kain lang tapos picture-picture.
 

Ang masasabi ko lang na pinakaeventful thing na nangyari today is yung RAFFLE. Hahaha

Actually, kailangan mo iregister yung pangalan mo bago ka makasali sa raffle. So when I learned about this raffle, tinanong ko muna kung ano yung mga prizes...I was only interested in the CELLPHONE, tsaka yung gym bag. (Pero I was hoping to get the phone). Hindi naman ako nagregister noh. Ang nagsign lang ng name nila is sina mama at sina Aimes. Sabi ko kay Mama, if ever na makuha yung phone, akin na lang yun. And so be it.
Haha


Mga 3pm, uwing-uwi na kaya kami. Kanina pa ako nagyayaya. Nagdadaldalan na lang kaya kami nina Mama sa table namin nang may sumigaw ng "JEANNA BASILIOOOOOO!!!!!"
Ewan ko ba, pero I started screaming. As in SCREAM. O_o


Hahaha. She actually got the phone.
She got the freakin' phone.

Hahahaha. Chupipay (cheap) na phone lang siya, pero kailangan ko lang naman ng pangtext at pangtawag noh. Hahaha

I actually got my wish. "Ask and you shall receive." 
Hehehehe


After getting the phone. Uwi na.
Hahaha. Ang user talaga. Pero buti na lang hindi pa kami umuwi agad kundi hindi ko sya nakuha.


Nagrequest pa ako.
Dahil nung isang gabi, umuwi ang mga tao sa bahay ng super late (oo, nauna pa akong nakauwi sa kanila which rarely happens), tapos sabay-sabay umakyat nang may hawak-hawak na Starbucks. Howdarethat. I know what they were trying to do, and it was actually working. Hahaha


So sabi ko Starbucks muna since napagiwanan ako nung isang gabi. Hahaha
O edi ayun. "Ask and you shall receive" uli.
Iloveit.




Haaaay. Ayun na araw ko. Ayun na Pasko ko ngayong taon.
Magaask ako uli.
Sana bukas naman, pasayawin nila ako. Hahahahaha

Thursday, December 24, 2009

What is it with MEN and long sleeved DRESS SHIRTS?!?!


[currently listenin to: Shawn King]


Okay. I confess.
It's a fetish.


I have a freakin' Dress Shirt Fetish!!?


I actually got all the MEN IN MY LIFE dress shirts for Christmas.
Long sleeved dress shirts.

I'm sorry! But they just look so hot with those on. *drool*
..especially when the sleeves are folded halfway, and then unbuttoned top buttons...

Oh gahd. Ang HOT.
Hahaha

I didn't really care how expensive they were, as long as I got them those dress shirts.
Damn. Iloveit. Haha

Now I have to make bawi what I spent. Hahahahaha.

Wednesday, December 23, 2009

Pokpok sa Pasko?

[currently listenin to: his voice]

Oh Pasko.
Bow.

Sana ako'y hinayaan na lang maging pokpok ngayong Pasko.
OY!! Pokpok sa Alamat ah.

Sapagkat may palabas sa Aliw (mga term nga naman) sa Pasko hanggang sa 27 ng Alamat: Si Sibol at Si Gunaw.
At hindi ako pinayagan ni mader dear sa 25.

"Subukan mong sumayaw sa Pasko kung gusto mo ng gera."

How can anyone say NO to that??
Haha.

Anyway.

Haaay. O well. Dahil late ko nang nasabi, nachorvah pa ako sa BM. Hahaha
O well...ala nang magagawa, hindi talaga pwede sa 25 e.

Pero sa 26 and 27 go lang.
sa 27 though, may supposed Reunion ng Sinchiocos.....uhm...bahala na. hahahaha

Tuesday, December 22, 2009

ABC About You

[currently listenin to: Yes FM Love Radio?]

Instructions: Fill out these questions and make a new note called ‘ABC About You.’


ABC About You Questions

A - AVAILABLE: oh?
B - BIRTHDAY: November 7, 1991

C - CRUSHING ON: nobody.

D - DRINK YOU LAST HAD: Sting - Strawberry Flavor

E - EASIEST PERSON TO TALK TO: hmm. secret.

F - FAVORITE SONG: wala akong favorite e

H - HOMETOWN: ParaƱaque City!!!
I - IN LOVE WITH: him

J - JUGGLE: 2 lang..mabagal pa

K - KILLED SOMEONE: i want to
L - LONGEST CAR RIDE: (bus ride) Manila to Ilocos

M- MILKSHAKE FLAVOR: Strawberry!!!

N - NUMBER OF SIBLINGS: 1 ( dati 2 :'( )

O - ONE WISH: world peace. :P

P - PERSON YOU CALLED LAST: secret.
R- REASON TO SMILE: may camera e. haha

S - SONG YOU LAST HEARD: Christmas Girl (wtf?!)

T - TIME YOU WOKE UP: 9:00 am

U - UNDERWEAR COLOR: beige!!

V - VEGETABLE(S): broccoli, carrots, seaweed (does that count?)

W - WORST HABIT: unconscious rolling of the eyes?

X - X-RAYS YOU'VE HAD: chest and foot

Y - YOYOS ARE: toys I can never seem to work with

Z - ZODIAC SIGN: Scorpio


Random Questions About You

Spell your name without vowels: Jn Rk S Bsl

Your favorite number: 19 and 38
What color do you wear most?: black, white and red
Least favorite color?: Orange?

What are you listening to?: yung maingay na radyo sa labas ng kwarto ko

Are you happy with your life right now? yes and no.

What is your favorite class in school?: Lunch. haha. that doesn't really count, does it.

Who is your best friend: hmm

When do you start back at school/college?: sa January??

Are you outgoing?: yeah?

Favorite pair of shoes?: yung Rusty Lopez ko na heels hehehehe (and gonna be: yung shoes na inorder ko kay Patti)

Can you dance?: hell yeah

Can you tie a cherry stem with your mouth?: di ko kaya!

Can you whistle?: no :(

Write with both hands? medyo. magulo nga lang sa kabila.

Cross your eyes?: oh yeah

Walk with your toes curled?: kayang kaya



THE DO'S

Do you believe there is life on other planets?: actually, yes.

Do you believe in miracles? of course!

Do you believe in magic?: yeah.

Love at first sight? medyo.

Do you believe in Satan?: nope.

Do you believe in Santa?: i did until I realized that Santa and my dad's handwriting were the same.

Do you know how to swim?: UNO yan pre!!

Do you like roller coasters?: medyo lang. medyo lang.

Do you think you could handle the stuff they eat on those reality shows? AKO PA!!!!!!!!!!!!



THE HAVES

Have you ever been on a plane?: yup

Have you ever asked someone out?: EEEW....oo. haha

Have you ever been asked out by someone?: ata. yeah.

Have you ever been to the ocean?: yup

Have you ever painted your nails?: marunong pa ako magFrench Tip noh. haha



THE WHATS

What is the temperature outside?: mainit?

What radio station do you listen?: dati 92.3 ngayon..89.9??

What was the last restaurant you ate at?: Tokyo Tokyo ata

What was the last thing you bought?: Seaweed!!!

What was the last thing on TV you watched?: di ko na maalala (it's been that long)



THE WHOS

Who was the last person you IM'd?: secret.

Who was the last person you took a picture of?: frances ata?

Who was the last person you said "I love you too" to?: secret.



CRYING SECTION

Ever really cried your heart out?: yah. sobra.

Ever cried yourself to sleep?: di na ako nakatulog nun.

Ever cried on your friend's shoulder?: yuh.

Ever cried over the opposite sex?: OO!
Do you cry when you get an injury?: never really had one. pero alam kong hahagulgol ako.

Do certain songs make you cry? oo, lalo na nung naghiwalay kami, grabe.



HAPPY SECTION

Are you a happy person?: generally, yeah.



LOOK AT ME

What is your current hair color?: dark brown



CURRENTLY WEARING

What shirt are you wearing?: pantulog.

Pants: blue green shorts
Shoes?: nkapaa lang. :)
Necklaces? yung necklace ni Gabby na maliit na heart. iloveit. ♥
Underwear: favorite kong So-En na panty. ♥



IN A BOY/GIRL

Favorite eye color: brown?
Short or long hair: long.

Height: TALL!!!!!!!!



HAVE YOU EVER

Been to jail: nope

Mooned someone: sa dressing room. hahaha

Thought about suicide: i have. O_o

Cried in school: maraming beses ata. haha

Thrown up in a store: nope

Done something really stupid that you still laugh about: siyempre.

Seen a dead body: yes.

Been on drugs: many times. haha

Gone skinny dipping: I WANT TO :).



THIS OR THAT

Pepsi or Coke: coke!!

McDonald's or Burger King: gahd. pwede ba both??

Single or Group Dates: single na lng. ♥

Chocolate or Vanilla: CHOCOLATE!!!!!!!!!

Strawberries or Blueberries: are you kidding me?! STRAWBERRIES!!!!!!

Meat or Veggies: MEAT!!

TV or Movie: uh..TV?

Guitar or Drums: hot ang marunong magguitar for some reason.

Adidas or Nike: Adidas

Chinese or Mexican: Chinese

Cheerios or Corn Flakes: corn flakes

Wednesday, November 04, 2009

Oooh. Nasabi ko na ba? Hindi pa.

[currently listenin to: Rent]

Well.
Did you guys know?
Nakapasok ang lahat ng semi-finalists ng Ballet Manila sa finals ng NAMCYA Ballet (Juniors)?

Ayun nga.
8 semi-fianalists. 8 din na finalists! Yehey!

Finalists:
Yehey!! hahaha. Antaray. Nakakaiyak naman.

Semi-finals pala were held in the Abelardo Hall, College of Music, UP Diliman.
Whooot! Nanghingi ng lakas kay Oble! Hahahaha
Ocotber 18 din nangyari. Birthday pa ni Gabby. O ano say mo?


O db? Moments like this nga naman are PRICELESS. Tignan niyo si Sir Shaz, ang saya-saya. Hahaha.

Love you, guys! Galingan natin sa FINALS! :)))

Monday, November 02, 2009

UNDAS 2009.

[currently listenin to: Owl City]

Oh yeah. Undas 2009.
Kahit All Saints' Day, siyempre may ballet pa rin.

Pero let's focus on our departed loved ones first.
Hehe
Siyempre unang-una si Gabby.
Pinakaimportan
te na puntahan. Si Gabby araw-araw naman pinupuntahan (lalo na nina Mama), pero siyempre, according to our culture, iba yung pagpunta sa undas.

Si Gabby ay nasa Heritage Park sa Taguig City. Sa Pavillion (yung mukhang Chinese na pagoda
?)
Yeah. Bonggang bongga pa bulaklak niya. Hinarangan pati yung ibang pangalan dun. Hehehe

Next si Daddy Ador.
Sa Tarlac naman siya. Sunday namin siya pinuntaha
n. Umuwi pa kami sa Concepcion, then sa hapon, diretso sa Star Theater (coz may show pa ang BM nun. haha).

Kay Daddy bongga din ang libingan. Zen ang theme. Tapos ginaya pa ng mga katabi niya. (Ewan. Nainggit kasi maganda nga
. Hahaha) May waterfalls pa siya dun.

And dala ko laptop ko dun. Wala lang. Sinubukan ko lang kung may signal ang SmartBro sa Tarlac. Meron, GPRS nga lang. E ang bagal!!! Hahaha.
Kaya ayun.



Next naman na pinuntahan ay yung parents ni Daddy Tonton (my mom's dad), and yung kapatid ni Mommy Lita (my mom's mom).
The pic on the left, yun y
ung kay Daddy. Sa Garden of Memories (sa may Pateros?) lang sila, and medyo madumi yung nitso nila. Well...siyempre, maraming dumalaw kasi.
Tapos yung nasa right naman, ayun, yung kapatid naman ng lola ko. Malapit din dun sa Tipas yan.

After dumalaw dalaw sa patay, dumeretso kami kayna Tita Zeny. Nakikain. Hahaha. Siyempre. Si Mama pa.

And andaming foooooooooooooooood!!
Hahaha.
Well dyan paubos na siya, pero masaya. Hahaha

Friday, October 30, 2009

wOw..RESURRECTION kumbaga. haha

[currently listenin to: the sound of the drill outside]

OO. Hindi ka nagkakamali. May bagong post ako dito. Hahaha
Nalaman ko kasi na may naghahanap at nagbabasa pa rin pala dito.

So avid readers, I won't let you down. (May ganon? haha)

Bakit nga ba?
Well, unang una, may laptop na ang lowlah mo kaya mas madali na sigurong magupdate.
Second, may internet na din sa kwarto ko, so GO!

Kaya ayun, magexpect ka na uli ng bagong babasahin dito. May paki ka man sa laman o wala. Hahaha. Basta balik blogging ako ngayon.

BOW.



*wow. July pa pala yung last kong pinost. Juiceko. Juicemiyo.

Sunday, July 26, 2009

The past week...

[currently listenin to: Keane]

Okay...ang hectic ng linggo na toh. Ok, actually, lately, everyday is really hectic. As in BAGSAK SA KAMA PAG UWI kind of hectic, pero masaya pa rin kahit papaano. Haha.

Sa UP...

Wala lng...dumaan ang linggo na may Math100 exam (kaya umabsent ako sa BM nun .... only to find out na 60% ng girls sa company, wala rin. haha).

Tapos sa chem lab (as seen in the pic), reporting lang (di talaga ako nakikinig...nanonood lang ako ng 17 Again sa iPod ko), nang bigla akong tawagin ni Dr Villarante (aka chem lab prof)..ay sus, may tinatanong na pala siya about buffers or sumthing...and I was like "Hah? DI KO ALAM!!" Shet. Haha. Di ko naman talaga alam. Hahaha

Sa BM...

Siyempre tuloy yung usual rehearsals (Paquita, Snowflakes, Willis, Shades, and NAMCYA)

And kmuzta naman, weekend ko puro BALLET talaga. Haha.
Nung Friday, wala akong pasok sa UP (kasi kakaexam nga lang sa Math100), kaya I was there the whole day.

Saturday (as seen in the pic...pansin nyo pareho silang JR??...BWAHAHAHAHAHA)...well..medyo magulo kami ni "pebbles" (haha, go magat!)...got a little jelly of magat. Haha. Sumabay si Magat nun e (nanlibre pa ng ice cream!! YAY!!)

Sunday...well...medyo nagaaway na talaga kami ni pebbles. Ay sus, so I was sabog (or more like despondent) the whole morning na. Haha (as seen in the pic. haha)...lalo na nung company class na. Di ko nga alam kung bakit nagtetext pa yun sa akin habang nagkaklase e (pasaway tlga. haha).

Pero the whole thing kinda turned around when he lent me his jacket. Helloooow. It started raining na kasi and ANG LAMIG, MGA PRE!! ANG LAMIG!! And I think napansin nya yun (bato tlaga, pag di napansin yun, super obvious na e. haha). So he literally threw his jacket to me. Haha. Ang sweet noh?! Haha pwede na yun.....ahahaha

Natouch ako. Hahaha. Yiheeee!!!

Later in the afternoon, nacancel yung show sa Star. So bummer, uwi na agad?! So medyo tambay muna sa Donada habang naghihintay ng sundo. And yay! BATI NA KAMI!..hahaha. Sumabay sila ni Kevin sa akin pauwi. Nagkasya kaming 4 sa FX (yung pick-up a)! (sexy kasi kami. bleeeh! haha)

So hanggang ngayon nasa akin pa rin yung jacket! Hahaha. (kaya lng 50%, it smells like me na...aaaw)
*singhot!* Parang stalker ang walangya. Hahaha.

Bukas, walang pasok! Yay!! Then sa Tuesday, tanghali pa ako (for co. class uli)..sarap...hahahaha




Friday, July 17, 2009

Hmm...

[currently listenin to: Katy Perry]

It has been exactly 4 weeks.
Haha.
Wala lang.

What have I been up to na ba.....wuhehehehehehe \\evil grin//

Ah basta! 2 days to go!! :))))

Wednesday, June 24, 2009

619

[currently listenin to: Kanye West]

619

Yay! Dumating din yung day! Hahaha
Bali-baliktarin mo man, 619 pa rin sya. Ahahaha

Mmmmwaaaaaah!! ♥♥♥

06/19/2009

Wednesday, June 10, 2009

Monday, June 01, 2009

100 Truths

[currently listenin to: Sick Puppies]


WHAT WAS YOUR:
1. last beverage = Water (before that I had a Grande Dark Mocha Frapp! haha)
2. last phone call = Papa
3. last text message = Arnulfo
4. last song you listened to= All the Same - Sick Puppies
5. last time you cried = yesterday (nanonood lang ng movie haha)

HAVE YOU EVER:
6. dated someone twice = nope
7. been cheated on = yep
8. kissed someone & regretted it = I hope not.
9. lost someone special = yes
10. been depressed = DUH.
11. been drunk and threw up = not YET. ;)

LIST THREE FAVORITE COLORS:
12. red
13. black
14. brown

THIS YEAR HAVE YOU: (2009)
15. Made a new friend = of course.
16. Fallen out of love = IN love. :)))
17. Laughed until you cried = lagi naman akong ganito e. haha
18. Met someone who changed you = Wala pa.
19. Found out who your true friends were = YES.
20. Found out someone was talking about you = SOBRA.
21. Kissed anyone on your fb friend's list = YEEEEES. :))

GENERAL:
22. How many people on your fb friends list do you know in real life = everyone
24. Do you have any pets = meron
25. Do you want to change your name = NO. I love my name
26. What did you do for your last birthday = had dinner sa DAMPA with family and BM friends :)
27. What time did you wake up today = 8-ish?
28. What were you doing at midnight last night = texting. :))
29. Name something you CANNOT wait for = Resume of ballet classes
30. Last time you saw your Mother = kani-kanina lang.
31. What is one thing you wish you could change about your life = Wish I had more freedom.
32. What are you listening to right now = Tabi - Paraluman
33. Have you ever talked to a person named Tom = Di pa ata.
34. What's getting on your nerves right now = Secret.
35. Most visited webpage = Facebook. Hahaha
37. Nicknames = Eka, Kulot..............EKA na lng pls!
38. Relationship Status = Under Renovation....haha
39. Zodiac sign = Scorpio
40. He or She? = she
41. Elementary? = Colegio San Agustin Makati
42. Middle School = may ganun?
43. High school/College = Makati Science High School/University of the Philippines Manila
44. Hair colour = black/brown
45. Long or short = Medium? haha
46. Height = 5'4" ata
47. Do you have a crush on someone? = siyempre. haha. marami yan.
48: What do you like about yourself? = marami.
49. Piercings = sa ears lang.
50. Tattoos = NONE.
51. Righty or lefty= Righty.

FIRSTS :
52. First surgery = wala pa.
53. First piercing = sa ears
54. First best friend = sina Pam and Mitch :))
55. First sport you joined = Swimming
56. First vacation = Puerto Azul ata
58. First pair of trainers = Grade sumthing??!

RIGHT NOW:
59. Eating = whipped cream
60. Drinking = Kool-aid
61. I'm about to = re-organize my iTunes
62. Listening to = Bryan Adams & Barbara Streisand. hahaha
63. Waiting for = his reply.

YOUR FUTURE :
64. Want kids? = YEH.
65. Get Married? = YEH.
66. Career? = Soloista ba?...tapos doctor. hehehe

WHICH IS BETTER :
67. Lips or eyes? = eyes
68. Hugs or kisses = KISSES!!
69. Shorter or taller = TALLER
70. Older or Younger = no comment. hahaha
71. Romantic or spontaneous = a lil bit of both, pwede?
72. Nice stomach or nice arms = ABS and ARMS. wahahahaha
73. Sensitive or loud = kahit both ok lang.
74. Hook-up or relationship = RELATIONSHIP
75. Trouble maker or hesitant = TROUBLE MAKER. hahaha

HAVE YOU EVER :
76. Kissed a stranger = NO
77. Drank hard liquor = Hard liquor ba yun? *thinks*
78. Lost glasses/contacts = marami na akong nawala na glasses. ahahaha
79. Sex on first date = NO!!!!
80. Broken someone's heart = I think I have
81. Had your own heart broken = OO NAMAN.
82. Been arrested = NO.
83. Turned someone down = YES.
84. Cried when someone died = YEEES.
85. Fallen for a friend?= YES.

DO YOU BELIEVE IN:
86. Yourself = "Confidence defines me" - Aimes Hahahahahaha
87. Miracles = yes
88. Love at first sight = YES?
89. Heaven = OF COURSE.
90. Santa Claus = ndi na.
91. Kiss on the first date = ok lang.
92. Angels = yes.

ANSWER TRUTHFULLY:
93. Had more than one bf/gf? = wala pa nga e. hahaha
95. Did you sing today? = kanina pa.
96. Ever cheated on somebody? = NO.
97. If you could go back in time, how far would you go, and why? = maybe a few days ago. Mga last Tuesday. Hahaha. CCP incident. wahahaha
98. If you could pick a day from last year and relive it, what would it be? = hmmm......
99. Are you afraid of falling in love? = Too late.
100. Posting this as 100 truths? = ahuh.

Monday, May 25, 2009

Can I rant here muna?

[currently listenin to: Katy Perry]

I love BALLET talaga.
Hehe

Unfortunately, my parents think otherwise.
I mean, ayaw na nilang akong pasayawin.

MABABALIW ako pag tinanggal sakin toh.
This is something that completes my life. Something that truly makes me happy. Something that I can't really live without.

I wanna correct what I talked about with my teacher. HE is not entirely the reason.

When I was making this deal with my dad kasi, he told me things that really HURT.

I told him na there's a chance that my scholarship might be affected. He answered, "Mas gusto ko nga na matanggal na yan e. Wala na akong pakialam sa scholarship mo."

And that really HURTS. This is very important to me. And I'm just really sad that my parents don't support me anymore.

He told me na he never thought that this was gonna be part of my life. Akala niya lang daw, passion ko lang toh, and nothing else.

I still think that school is important, of course. Kaya nga hindi ako nakapagworkshop e, kasi inuna ko na toh. Hindi pa rin niya maappreciate. MASAKIT talaga.

I finally found something that I really want to do. I might not be the best in it, but I work hard for it.

Ang selfish ko daw. Well... I can see there point. Pero hindi rin ba sila nangarap? Didn't he have dreams for himself?? I should think about the future daw, sa mga magiging anak ko?! E hellow?! I'm still young, damnit!! I don't want REGRETS talaga. Saying someday "Ay sana ginawa ko toh.."

Db??...kailangan ko lang talagang ilabas. Ito lang output ko. Wala naman kasi akong makausap dito (angLOSER)..

Isa pa. Lahat ng mga kasabay ko. Umusad na. Nauna na. As in BOOM!
This gave me the drive to work even HARDER. I wanna catch up somehow. Hehe

Thursday, May 21, 2009

Little Secrets (Grabbed from Armand)

[currently listenin to: Pussycat Dolls]

GRABBED from ARMAND.

LITTLE SECRETS

1.Would your parents be mad if you were in a relationship?
-they already ARE. haha
.
2.If you could cuddle with anyone right now, who would you pick?
- xempre kay ... (anlandi ko grabeh. haha)
.
3.Person you last sent a text to?
-Kay Arnulfo BM
.
4.What's irritating you right now?
- ayaw akong payagang manood ng recital. Leche.
.
5.How many kids do you want?
-2-3??
.
6.What were you up to at 11pm last night?
-just texting :))
.
7.What happened at 10:00 am today?
-just woke up. Haha
.
8.How many hours did you sleep last night?
-di ko na maremember e.
.
9.Does anyone call you baby?
- No. Eeew. (I don't want anybody calling me "baby")
.
10.Did you hug anyone today?
-it was kind of a hug, i guess. haha
.
11.Are you in a good mood?
- medyo. (so-so)
.
12.Who was the last person you cried in front of?
- Kayna Kuya Alfren...hehe
.
13.What are you listening to?
- Jai Ho!! HAHA
.
14.Do you love someone right now?
- yeah. :D
.
15.Do you use smiley faces on the computer a lot?
- :))))
.
16.Do you wear eye-glasses?
- no? but i have glasses...hehe
.
17.Are you there for your friends?
- DUH.
.
18.Do you get along w/ girls?
-i think i do. haha
.
19.Do you get 8 hours of sleep everyday?
-hell no.
.
20.Are you a forgiving person?
- depends on the situation, pre.
.
21.How is life going for you right now?
-happy na hindi. (so-so pa rin)
.
22.Do you believe what goes around comes around?
- medyo.?
.
23.Who was the last person you ate with?
-la familia.
.
24.When was the last time you saw your dad?
- kanina lang.
.
25.Are you mad about anything?
- HELL YEAH!!
.
26.Do you miss anyone?
- SOBRA.
.
27.What was the last thing you did?
- I ate ice cream with loooots of chocolate chips. Hehe
.
28.Do you hate being alone?
- Minsan oo, minsan carry lang. haha
.
29.Do you drink more water or juice?
-WATER
.
31.When was the last time you felt like your heart was actually breaking?
-that night...
.
32.Do you hate it when people smoke around you?
-SOBRAAA!!
.
33.Is there someone you will never forget?
-siyempre.
.
34.Where’s the girl/guy you love right now?
- nasa computer shop ata. Hahaha
.
35.Do you like waking up in the morning to find that you have new texts?
-Of course. My phone is the first thing I grab when I wake up in the morning. :))
.
36.Are you a morning person or a night person?
- Hmmm...????
.
38.Can you keep a secret?
-Siyempre.
.
39.Are you open with your feelings to people?
-I am.
.
40.What are you thinking right now?
-What I have to do for THEM to let me watch...
.
41.Does your profile song have any significance?
-Profile what??
.
42.Do you have trouble deleting your text messages?
- yeah. Some are just too special to delete. Ahahaha

Tuesday, May 05, 2009

Another Dep Exam?? Ugh.

[currently listenin to: Same Same]

Ewww. Chem 31 (Organic Chemistry)
DepEx na naman bukas!! (at hindi pa ako nakakapag-aral ni isa!!) haha

I already flunked the first one!! Ahaha
Kasi naman noh! Dalawa lang ang napasukan kong klase dun noong first exam (because of all the registration shit)....so hindi na talaga ako nagulat. Pero at least nka 45% pa rin ako considering na 2 lang ang napasukan ko. Yung iba kasi araw-araw pumapasok, mas mababa pa ang nakuha. Woohoo!

Galing ko talagang tsumamba sa panghuhula!!! Hahahaha

E yung ngayon kaya? Wala pa rin akong naintindihan sa mga tinuturo niya.
Ano pa naman ako, pag hindi ko na maintindihan yung sinasabi ng prof, hindi na talaga ako nakikinig coz wala na talagang pumapasok.

Tapos tuwing lec pa...super distracted ako. Hahaha. Kakagaling ko lang kasi sa BM before class. Kaya puro ballet pa rin nasa utak ko.

Hahaha. Hellow?! Pati logo ng BM nasa notes ko e. Hahahaha

Puro DOODLES!! (obvious ba?) Hahaha. Minsan puro pangalan pa ni ...ehem.. yung nasa notes ko. Panu ka kaya makakapagconcentrate nyan?! Ahahaha

Haaaay. I miss ballet na. (kahit na medyo nakakapag-class pa rin ako) Iba pa rin e. Outsider pa rin ang feeling ko dun ngayon. Haaay.

GUSTO KO NANG MATAPOS TONG SUMMER NA TOH!!!

Monday, April 27, 2009

UPM Registration Blues.

[currently listenin to: Megumi Hayashibara]

Ok. Feeling ko sa UP Manila pinakamahirap mag-enroll. Seriously.
Dahil bukod sa hiwa-hiwalay ng floors yung pupuntahan mo. Hiwa-hiwalay din ng building!!

Ang mas masakit, kapag LATE REG!!!!!!!!!!!!!!!!!!
AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!!!!!!!!

Naugumpisa kasi toh sa magulong schedule ng enrolment.
Ang sabi sa CRS April 7 and 13 ang date ng enrolment for regular students.
E syempre I was in Tarlac nung Holy Week kaya naturally pumunta ako noong April 13.

Aba. Malay ko ba na noong 7 lang pala ako pwedeng mag-enrol?!
For cross-reg lang daw yung 13.
Late reg na daw ako.
Damnit.

E di, okay.
Pag dating ng April 14. ANDAMING HINDI PA NAKAKAENROLL.
And the worst thing that can happen is MAUBUSAN KA NG SLOT.

And whatyaknow?! NAUBUSAN AKO NG SLOT. Leche. Haha
Grabeh. Shet?! Madedelay na ba ako?!

Sa block namin, ang hindi nakakuha ng lab ay sina Jim, Lance, JV, Jeff, Gerome, and ako (hwOw only girlaloo)
Ang walang lec, kaming 3 nina JV and Gerome.

Haaaaaaaay! Syempre hindi kami papayag na wala kaming subject kasi MADEDELAY TALAGA KAMI NG ISANG TAON!!
Ang ginawa namin (with the help of other people from other courses na nangangailangan din ng Chem 31 <- yun yung OrgChem), nagpetition kami ng SECTION!!!

Pumayag naman ang DPSM, ang ayaw lang talagang pumayag is yung OCS...
so ang ginawa NILA...pumunta sila sa Office of the Vice Chancellor ng UP (sa taas ng PGH)
Dun sila humingi ng tulong. We originally asked kung pwede kaming "mag-add slot" (yung isisingit na lng sa ibang section)...pero ayaw tlaga. Mag-open na lang daw ng bagong section. And open we did. :)

So ok na. Pero hindi pala ganun lang yung process ng pagpetition ng section. Leche.
Antagal. Dumadaan muna kung kani-kanino. Antagal talaga. E hellow?! Yung first DepEx ng Chem lec is nung Saturday na. O db? Kami wala pang section!?

Pero hindi talaga kami sumuko. Kasi kailangan talaga namin yung subject. DELAY talaga ang aabutin namin pag di kami nakapagsummer.

So ok na nga. May bago nang section. Ang problema na lang is yunf Form5.
Hellow?! Naka-enlist ako sa Bio 133!!!!
Sinusummer yun ng 2nd year Bio students!!! WALA PA KAMING ALAM!!
Yung Dept of Biology na mismo ang nagsabi na MAMAMATAY KAMI DUN!!!!
SHET! Kailangang mai-cancel yung Bio133 sa Form 5 ko!!!!!!!!!!!

Eto na naman po kami. Sa OCS. Ayaw pumayag na i-cancel yung naka-enlist na. Last day of registration pa naman. Magfa-5pm na rin nun. So malapit na silang magsara.
Shet. Nagmakaawa talaga kami sa OCS na i-cancel. As in si ate J. umiyak na talaga sa window para lang mapa-cancel yung subject...kasi naman db...PARA SAAN PA YUNG PINAGHIRAPAN NAMIN IPETITION KUNG HINDI RIN KAMI MAKAKAENROLL DUN SA SUBJ NA YUN?!?!

In the end, nagtagumpay kami. Kaya lang ang nakuha kong schedule (ang meron na lang) is 2:15-8:15 (2:15-4:15 yung lec, 4:15-8:15 naman yung lab). I didn't care, BASTA MAGKACHEMISTRY AKO.

HwOw. HIMALA. Pwede pa akong magballet sa umaga. Level 4 nga lang. (12:15-1:30). At least db. Kaysa sa wala.

And dinamayan ako ni ..ehem.. sa buong escapade na toh. He also always kept me company. THANKS. TRULY APPRECIATED IT. hehehe. Mwah!! :)))

Saturday, April 25, 2009

Summer 2009.

[currently listenin to: Maaya Sakamoto]

Summer 2009.

Definitely not an ordinary summer.
Andaming firsts dito. Haha

First...
  • summer sa school (UPM)...damn Org Chem
  • time mag-late registration (kakaasar talaga! muntik nang masira ang buhay ko dito!!)
  • time mahiwalay sa block (haay..)
  • time mag-Tarlac with BM friends (Tarlac is ♥!)
  • time magkaroon ng major misunderstanding with the same BM friends (haha)
  • time hindi nag-Summer Workshop (since I started there)...ahuhuhuhu
  • time mag-Bate Dance (Easter Sunday)...haha
  • ...ehem. (Oo, yun na yun. Lahat ng kasama dun. Hahaha)
Basta tsaka ko na lang siguro ikkwento yung registration blues ko. Haha.
A lesson learned talaga. Hahaha.

"Huwag hayaan ang sarili na mag-late registration!"

Pati yung thing ko with my BM-mates...haaay. Sobrang namisunderstand nila akong lahat. Haaaay. Hahaha. At least naayos ko in time. Hahaha

Monday, April 20, 2009

I'm sorry for neglecting you, Blogspot. :(

[currently listenin to: Jazz]

Sigh. I just wanna say sorry to my blogspot. I've neglected it for the past n months....

So, my avid readers (kung meron man), I'm sorry too.
Buhay pa tong blog na toh, di ko nga lang nauupdate masyado.

But miss blogging. This is one of my outputs in life. Hehehe
So I'm going to try to start blogging again. Yay! ^_^

Sunday, March 29, 2009

Survey na napulot ko somwhere...

[currently listenin to: Plain White T's]

1. Bakit ka nahuhuli sa pila bago mag-flag ceremony?
- duh! 6:15 na akong umaalis sa bahay...e taga-ParaƱaque pa ako. Hahaha

2. Anong fave mong bilhin sa canteen?
- extra rice. haha

3. Na-guidance/principal's office ka na ba?
- uuh no? pumupunta lng ako sa guidance office para tumambay. hahaha

4. Sinong fave teacher mo doon? Why?
- Ma'am Antaran! hehehe di na tinatanong kung bakit.

5. Sinong HATEST teacher mo nmn?
- marami yan. ehem!!

6. San ka usually tumatambay? Why?
- sa room ni Ma'am Casil!! laki ng space e...nakakapagstretch pa ako dun. hahaha

7. Nakakahiyang pangyayari?
- uhm.....hmmm...ewan...walanghiya ata ako e.

8. Most memorable in HS:
- meeting all the people there

9. Varsity?
- Dance Troupe.

10. Sino una mo nakilala noong high school?
- (yung hindi taga-CSA) si Sandi. hahaha

11. Sinu-sino mga kabarkada mo nung HS?
- sina lovely, sina regine...you know, all the crazy people.

12.Nami-miss mo na ba yung uniform mo?
- NO.

13. Ilang beses mo nang nawawala ung ID mo?
- di ko pa nawawala ID ko a.

14. Favorite teacher's quotable quote?
- uhhmmm...yung sa isa kasi may buong libro yun ng quotable quotes e. hahaha PERO HINDI KO FAVORITE TEACHER YUN A. Marami lang tlga siyang quotable quotes

15. Most unforgettable persons? Why?
- Siyempre yung mga naging close sa akin.

16. Kelan mo huling nabuklat ang yearbook nyo?
- Noong nakuha ko siya tapos dinala ko pa ata sa UP. haha

17. I-describe ang mukha mo sa grad pic..
- parang teary-eyed na blah. parang bata ba?

18. Anong binibili mo sa labas tuwing uwian?
- yung balat ng manok! haha tsaka BBQ

19. Nakakita ka na ba ng multo sa school?
- WALA.

20. Nangarag ka ba sa updating/paghahabol sa projects?
- medyo?

21. Ano ang unang-una mong ginawa after graduation?
- punta kay Gabby tapos KAIN!!

22. Ano naman ang papel mo sa CAT?
- haha...sorry, inabolish yun nung time na namin hahaha

23. Fave driver?
- si kuya Basil lang naman driver ko nun a. hahaha

24. Kung papalitan ang color ng uniform nyo, ano?
- wala, ok na un.

25. Nasa Friendster mo ba yung crush mo nung HS?
- Ha! buti kung may crush ako nung HS...

26. Did you ever regret enrolling in your high school?
- mas malaki yung part na hindi

27. Kilala mo ba kung sino ang nag-post nito?
- nope!

28. Sino sa mga ka-batch mo ang pwede sa Pinoy Big Brother?
- si Aimes! hahahaha tsaka si Cecilia...at si Regine!

29. Finished college? Where? Course?
- still working on it. UP Manila. BS Biology. Punyeta.

30 Anu ang best section mo nung high school?
- BECQUEREL!! Had the greatest time of my HS life here!

Sunday, January 18, 2009

Hindi ako nakapag-SHOW!!!

[currently listenin to: my very own regret]

UUUGH! ANG LOSER TALAGA!!
I missed two shows of Hi-Skul Musikahan.
All because of that stupid Chemistry Exam. Hindi tuloy ako nakahabol sa blocking. Damnit.

Yun na ata ang last na HSM na Saturday coz sa susunod puro Lola Basyang na. Haaaaaaay.
O well. Marami pang sususnod.....

....pero kahit na!!
Ahuhuhuhuhuhuhuhuhu.......

Anloser. Ayaw ko pang umuwi agad nun kaya nagstay muna ako, nagbabakasakaling isama pa ako sa 2nd show (DID NOT HAPPEN DAMN)....nagpaka-emo na lang ako sa wings. Sniff!

Minsan lang ako mawala (unlike some....peash tau ha) pero parang angtagal kong hindi sumayaw. Siiigh. (hindi nga ako totally absent e, coz nakapagrehearse pa ako ng Swan Lake nun)

Wednesday, January 14, 2009

Sige, magSWIMMING ka ng January. Buset.

[currently listenin to: Chris Brown]

Ano ba?! January pa lang, swimming na agad?!?!?!?
Potek na PE na toh. WhooooO!

Ok lng sana kung hindi ganito kalamig e. Juiceko.
Mamatay-matay ako sa lamig talaga. Ang sakit sa ulo.
At kmusta ka naman ilang beses pa ako nauntog. Haha. Nalaglag ata utak ko, naiwan ko na dun.

Ayaw ko na!!
ANG LAMIG TALAGA!!!!

*pero ako pa rin ang ginagawang model. Haha. Go windmill!!