Oh yeah. Undas 2009.
Kahit All Saints' Day, siyempre may ballet pa rin.
Pero let's focus on our departed loved ones first.
Hehe
Siyempre unang-una si Gabby.
Pinakaimportante na puntahan. Si Gabby araw-araw naman pinupuntahan (lalo na nina Mama), pero siyempre, according to our culture, iba yung pagpunta sa undas.
Si Gabby ay nasa Heritage Park sa Taguig City. Sa Pavillion (yung mukhang Chinese na pagoda?)
Yeah. Bonggang bongga pa bulaklak niya. Hinarangan pati yung ibang pangalan dun. Hehehe
Next si Daddy Ador.
Sa Tarlac naman siya. Sunday namin siya pinuntahan. Umuwi pa kami sa Concepcion, then sa hapon, diretso sa Star Theater (coz may show pa ang BM nun. haha).
Kay Daddy bongga din ang libingan. Zen ang theme. Tapos ginaya pa ng mga katabi niya. (Ewan. Nainggit kasi maganda nga. Hahaha) May waterfalls pa siya dun.
And dala ko laptop ko dun. Wala lang. Sinubukan ko lang kung may signal ang SmartBro sa Tarlac. Meron, GPRS nga lang. E ang bagal!!! Hahaha. Kaya ayun.
Next naman na pinuntahan ay yung parents ni Daddy Tonton (my mom's dad), and yung kapatid ni Mommy Lita (my mom's mom).
The pic on the left, yun yung kay Daddy. Sa Garden of Memories (sa may Pateros?) lang sila, and medyo madumi yung nitso nila. Well...siyempre, maraming dumalaw kasi.
Tapos yung nasa right naman, ayun, yung kapatid naman ng lola ko. Malapit din dun sa Tipas yan.
After dumalaw dalaw sa patay, dumeretso kami kayna Tita Zeny. Nakikain. Hahaha. Siyempre. Si Mama pa.
And andaming foooooooooooooooood!!
Hahaha.
Well dyan paubos na siya, pero masaya. Hahaha
No comments:
Post a Comment